COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 550,000

Umakyat na sa 550,860 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 27,588 lamang ang aktibong kaso.

May 1, 685 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 14 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 511, 755 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 2 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 11,517 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: