COVID-19 cases sa bansa,umakyat na sa mahigit 388,000

Umakyat na sa 388, 137 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases ang naitala sa bansa.

Ito ay matapos may maitalang 987 na bagong kaso ng virus infection ang Department of Health.

Umabot naman sa 31,679 ang bilang ng aktibong kaso.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 136 new cases, Iloilo na may 67 new cases, Quezon City na may 47 new cases, Taguig City na may 43 new cases at Iloilo City na may 41 new cases.

Umakyat naman na sa 349,091 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus matapos may naitalang 140 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.

May 49 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,367 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: