Covid-19 cases sa Kalinga, naragdagan pa ng 34

Tatlumput’ apat (34) na panibagong kaso ng Covid-19 ang naitala sa Kalinga province.

Dahil dito, umakyat na sa 2,402 ang kaso ng Covid-19 sa lalawigan.

Samantala, naitala naman sa 2,128 ang bilang ng mga nakakarekober sa karamdaman at ang death toll ay nananatili sa 22.

Patuloy din ang paalala ng pamahalaang panlalawigan sa mga residente na mag-ingat, umiwas sa mga matataong lugar, magsuot ng face mask at shield upang hindi na kumalat pa ang virus.

Xian Renzo Alejandro, EBC Correspondent

Please follow and like us: