Covid-19 cases sa mga darating na araw, asahang mas tataas pa

Asahan pa ang muling pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 na iuulat ng Department of Health sa mga susunod na araw.

Ang abiso ay ginawa ng DOH kasunod ng naging technical issues sa kanilang Covid 19 information system.

Ayon sa DOH, ang technical issue na ito ang dahilan kaya mababa ang kanilang naireport na mga bagong kaso ng Covid-19 kahapon.

Inaayos na umano ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang problema at inaasahang mas tataas ang mga kaso ng impeksyon na kanilang maiuulat.

Sa datos ng DOH kahapon, nasa 12,751 ang bagong kaso ng virus infection sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng kagawaran, umabot na sa 2,134,005 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.Pero sa bilang na ito, 151,135 ang aktibong kaso.

Madz Moratillo

Please follow and like us: