Covid-19 Vaccination rollout sinimulan na sa General Emilio Aguinaldo sa Cavite

Nagsimula na rin ang Covid-19 Vaccination Rollout sa General Emilio Aguinaldo Bailen, sa Cavite. 
Ito ay matapos na dumating sa kanilang bayan ang mga bakunang inilaan ng DOH para sa mga frontliner at mga kabilang sa priority list sa kanilang lugar.
Ayon kay General Emilio Aguinaldo Cavite Mayor, Nelia Bencito Angeles, nagapapasalamat sila sa pamahalaan sa inilaang bakuna para sa kanilang bayan para may panlaban na sa virus ang kanilang mga frontliner gayundin para sa mga kabilang sa priority list.
Umabot naman sa mahigit isang daang frontliner ang agad nakatanggap ng bakuna kontra Covid 19 sa General Emilio Aguinaldo sa Cavite. 

courtesy: Mayor Nelia Bencito Angeles
Please follow and like us: