COVID-19 vaccination simulation exercise muling isinagawa sa Maynila

Tuluy-tuloy pa rin ang ginagawang paghahanda sa Maynila para sa nalalapit na pagdating ng COVID-19 vaccines.

Ngayong araw, isang COVID-19 vaccination simulation exercise ang isinasagawa ulit.

Sa pagkakataong ito ang simulation exercise ginawa naman sa Pedro Guevarra Elementary School.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Justice Jose Abad Santos General Hospital, isa sa district hospital sa Maynila.

Ayon sa direktor ng ospital na si Dr. Merle Sacdalan, layon nilang makatulong na mapataas ang awareness ng mga Manilenyo hinggil sa COVID-19 at maturuan sila kung paano ito maiiwasan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: