COVID cases sa bansa , umabot na sa 378,933

Umakyat na sa 378,933 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases ang naitala sa bansa.

Ito ay matapos may maitalang 2,006 na bagong kaso ng virus infection ang Department of Health.

Sa nasabing bilang ay 41,291 ang aktibong kaso.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Batangas na may 124 new cases, Cavite na may 121 new cases, Quezon City na may 105 new cases, Rizal na may 89 new cases at Bulacan na may 81 new cases.

Umakyat naman na sa 330,457 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus matapos may naitalang 636 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.

May 38 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,185 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: