Covid cases sa bansa ,umakyat na sa halos 300,000

Umakyat na sa 299 361 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid 19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 2,630 na bagong virus infection.

Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 1,091 new cases.

Sinundan ng Cavite na may 196 new cases, Laguna na may 171 new cases, Negros Occidental na may 142 new cases at Rizal na may 141 new cases.

Nakapagtala naman ang DOH ng 494 na bagong gumaling mula sa covid-19.

Dahil dito umakyat na sa 232,399 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid 19 sa bansa.

Nakapagtala naman ang DOH ng 69 na bagong nasawi dahil sa virus.

Ayon sa DOH, sa bilang na ito 43 ay nasawi ngayong Setyembre, 8 noong Agosto, 7 noong Hulyo, 10 noong Hunyo, at 1 noong Mayo.

Sa ngayon, pumalo na sa 5 196 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid 19.

May 24 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: