Covid cases sa bansa ,umakyat na sa mahigit 314,000

Pumalo na sa 314,079 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid 19 sa bansa. Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 2,415 bagong virus infection.

Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 930 new cases.

Sinundan ng Cavite na may 238 new cases, Rizal na may 128 new cases, Laguna na may 123 new cases at Negros Occidental na may 103 new cases.

Nakapagtala naman ang DOH ng 771 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito umakyat na sa 254,223 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid 19 sa bansa.

Nakapagtala naman ang DOH ng 59 na bagong nasawi dahil sa virus.

Ayon sa DOH, sa bilang na ito 37 ay nasawi ngayong Setyembre, 10 noong Agosto, 9 noong Hulyo, 1 noong Hunyo at 2 noong Abril.

Sa ngayon, pumalo na sa 5,504 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid 19.

May 30 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: