Covid cases sa bansa umakyat na sa mahigit 351,000

Umakyat na sa 351,750 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases ang naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, ay 50,354 ang active cases.

Ngayong araw nakapagtala ang Department of Health ng 3,139 bagong kaso ng virus infection.

Kabilang sa mga nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ang National Capital Region na may 1,003 new cases, Cavite na may 206 new cases, Rizal na may 175 new cases, Laguna na may 138 new cases at Iloilo na may 126 new cases.

May naitala namang 786 na bagong gumaling mula sa covid 19.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 294,865 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 34 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19.

Ang 17 rito ay nasawi noong Oktubre, 9 noong Setyembre, 4 noong Agosto, 3 noong Hulyo, at 1 noong Mayo.

Sa kabuuan ay pumalo na sa 6,531 kna ang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

May 87 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang inireport kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis at validation sa kanilang listahan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: