Covid cases sa bansa,umakyat na sa mahigit 309,000

Pumalo na sa 309,303 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid 19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 2,025 bagong virus infection.

Mayorya ng mga bagong kaso ay mula parin sa National Capital Region na umabot sa 628 new cases. Sinundan ng Cavite na may 279 new cases,Negros Occidental na may 218 new cases, Laguna na may 108 new cases at Bulacan na may 102 new cases.

Nakapagtala naman ang DOH ng 290 na bagong gumaling mula sa Covid-19.

Dahil dito umakyat na sa 252,930 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid 19 sa bansa.

Nakapagtala naman ang DOH ng 68 na bagong nasawi dahil sa virus. Ayon sa DOH, sa bilang na ito 49 ay nasawi ngayong Setyembre, 12 noong Agosto, 4 noong Hulyo, 2 noong Mayo, at 1 noong Abril.

Sa ngayon, pumalo na sa 5,448 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid 19.

May 10 naman ang inalis ng DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid 19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.

Madz Moratillo

Please follow and like us: