Covid cases sa mga barangay pwede naring ma-access ng publiko sa covid 19 tracker ng DOH

Maaari na ngayong malaman ang sitwasyon ng covid cases sa inyong barangay.

Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, simula kahapon ay maaari ng ma-access ang mga datos patungkol sa covid 19 sa mga barangay sa covid 19 tracker ng DOH.

Ang covid tracker ay maaaring makita sa website ng DOH na www.doh.gov.ph

Ayon kay Vergeire layon nitong mapalakas ang kampanya kontra covid 19 sa barangay level.

Pero paalala ng DOH ang Barangay-level data ay maaaring magpabago bago dahil tuloy tuloy ang pag update rito.

Madz Moratillo

Please follow and like us: