Covid vaccine trial, pansamantalang itinigil ng Johnson & Johnson

Pansamantalang inihinto ng Johnson & Johnson, ang kanilang Covid-19 vaccine trial dahil isa sa kanilang participants ay nagkasakit.

Sa inilabas na pahayag ng kompanya, nakasaad na sa ngayon ay tigil muna ang trial ng lahat ng Covid-19 vaccine ng Johnson & Johnson, kasama na ang Phase 3 ENSEMBLE trial, dahil sa hindi maipaliwanag na pagkakasakit ng isang participant.

Nangangahulugan ito na ang online enrollment system ay isinara para sa 60,000-patient clinical trial, habang magsasagawa naman ng pagpupulong ang independent patient safety committee.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: