Criminal at Administrative case na posibleng kaharapin ni dating Bucor Director Nicanor Faeldon, ipinauubaya ng Malakanyang sa Ombudsman

Bahala na ang Office of the Ombudsman na tukuyin kung may criminal at administrative liabilities na kakaharapin si dating Bureau of Corrections Director Nicanor Faeldon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagsasagawa na ng inbestigasyon ang Office of the Ombudsman sa mga opisyal ng Bucor na nasasangkot sa anomalya dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA.

Ayon kay Panelo hindi panghihumasukan ng Malakanyang ang trabaho ng Ombudsman.

Inihayag ni Panelo naghahanap na si Pangulong Duterte ng bagong Bucor Director na makapagpapatupad ng totoong reporma sa pambansang piitan.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *