Culling sa mga poultry sa San Luis Pampanga, natapos na ayon sa DA

Natapos na ang culling ng mga poultry sa San Luis, Pampanga.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture Secretary Manny Pinol bunsod ng avian flu na tumama sa nasabing bayan.

Ayon kay Pinol, dini-disinfect nalang ang buong lugar.

Samantala, nagsimula na rin ang culling operations sa Jaen at San Isidro, Nueve Ecija.

Una rito, kinumpirma ng ahensiya noong biyernes na nagpositibo ang dalawang bayan sa avian flu virus.

Inaasahan na matatapos bukas ang culling  sa mga poultry.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *