Curfew hours sa Metro Manila, 12MN to 4:00AM na simula June 15, 2021

Nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na paiksiin ang umiiral na curfew hours sa Metro Manila simula Hunyo 15.

Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na napagkasunduan ng Metro Manila Council na magpatupad ng bagong unified curfew hours sa buong Metro Manila mula12MN hanggang 4:00 AM.

Makikipagpulong aniya sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang Metro Manila Council para sa gagawing opisyal na resolusyon.

Please follow and like us: