Customs Commissioner Nicanor Faeldon inirekomendang masibak

Ipinasisibak na ni Senador Richard Gordon si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Itoy matapos makalusot sa security check ng BOC ang mahigit animnaraang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 6.4 billion pesos.

Ayon kay Gordon, dapat makiaalam na ang Pangulo sa kaso ni Faeldon dahil malaking sampal sa kaniyang war against drugs ang paglusot ng iligal na droga.

Sa kabila aniya ng maigting na kampanya ng Pangulo, may ilang tiwaling opisyal ng Customs na kasabwat pa sa operasyon ng iligal na droga.

Pinuna rin ni Gordon ang mga napapatay dahil sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot pero mismong sa Bureau of Customs ay nakalusot ang bilyon-bilyong halaga ng iligal na droga.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *