DA-PhilRice, irerekomenda sa mga magsasaka na magtanim ng Rice varieties

Magrerekomenda sa mga Rice farmers ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ng mga uri ng rice varieties na maaari nilang itanim sa susunod na planting season.

Ayon sa Department of Agriculture, itataguyod nila ang mga rice varieties bilang tugon na rin sa kagustuhan ng mga mamimili na makabili ng mura at de kalidad na bigas.

Sinabi ni Agriculture secretary William Dar na batay sa isang informal survey na ginawa ng isang Rice Industry group, 40% ng mga consumers ay mas nais na bumili ng bigas na mura, malambot at mabango kapag isinaing.

Isa ito sa dahilan anya kaya itataguyod nila ang Rice varieties para matugunan ang nais ng mga consumers kasabay ng nararanasang Pandemya.

Belle Surara

Please follow and like us: