DA, pinangunahan ang groundbreaking ceremony ng Monolithic Dome sa Zamboanga del Norte

Pinangunahan ni Dept. Of Agriculture (DA) Sec. William Dar, ang capsule laying at groundbreaking ceremony ng Monolithic Dome sa bayan ng Roxas sa Zamboanga del Norte.

Layon nito na maging isang Agri- Industrial Business Corridor (ABC) ang lugar.

Ikinakampanya rin ng DA na magkaroon ng ABC’s sa iba’t ibang lokasyon sa bansa, upang matulungan ang maliliit na magsasaka sa pamamagitan ng pagkakaroon ng state of the art production technology, capital, at value adding facilities.

Ang Monolithic Dome ay magsisilbing chilled storage at packing facility ng probinsya, at inaasahang matatapos ito sa Hunyo ng kasalukuyang taon.

Bukod kay Sec. Dar, ay dumalo rin sa aktibidad sina Governor Roberto Uy, Vice Governor Senen Angeles, Zamboanga del Norte 2nd District Representative Glona Labadlabad, at mga opisyales mula sa DA central at regional offices.

Ulat ni Eunilyn Dalman

Please follow and like us: