Daan-daang tagahanga ni Kobe Bryant nagtipon-tipon sa Staples center, Los Angeles kasunod ng pagkamatay nito sa helicopter crash

Daan-daang tagahanga ni NBA superstar Kobe Bryant ang nagtipon-tipon sa Stales center, downtown Los Angeles kasunod ng pagkamatay nito dahil sa helicopter crash.

Si Bryant at 13-anyos na anak nito na si Gianna Maria Onore ay kabilang sa siyam na namatay sa pagbagsak ng helicopter sa hillside Calabasas town, Northwest ng downtown Los Angeles.

Ayon kay LA county Sheriff Alex Villanueva, walang nakaligtas sa lahat ng mga sakay ng helicopter kabilang ang piloto nito.

Karamihan sa mga fans ni Bryant ay may mga bitbit n aplacards na may imahe ni Bryant at nakasulat ang katagang “RIP, Love you Kobe #24”.

May nakapaskil ring higanteng electronic billboard sa LA Live Plaza malapit sa Staples center na may larawan ni Bryant at nakasulat ang mensaheng “In Loving Memory of Kobe Bryant 1978-2020”.

Isang tagahanga din niya ang naglagay ng wreath sa labas ng staples center.

Please follow and like us: