Dalawa pang suspek sa pagkawala ng ilang sabungero sa Laguna, sinampahan ng reklamo sa DOJ

Ipinagharap na rin ng reklamong kidnapping at serious illegal detention sa DOJ ang dalawa pang karagdagang suspek sa pagkawala ng 34 na sabungero sa Laguna.

Una nang inilabas ng PNP- CIDG ang composite sketches ng dalawang suspek.

Kinilala ang isa sa mga inireklamo na si Mr. Julie Patidongan.

Hindi pa tukoy ang isa pang lalaking suspek.

Kasama sa nagtungo sa DOJ ng CIDG para maghain ng reklamo si Ginang Lanie Bautista na asawa ni Michael Bautista na isa sa mga missing sabungero.

Nakakuha ang CIDG ng kopya ng cellphone video kung saan makikita ang dalawang suspek at si Michael na nakaposas sa labas ng cockfighting arena sa Sta. Cruz, Laguna.

Kinumpirma ni Mrs Lanie na ang mister niya ang nasa phone video.

Napakahalagang ebidensya aniya ng nakuhang video dahil doon positibong nakilala ang kaniyang asawa.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *