Bilang ng mga nasawi sa nasunog na ferry sa Dapitan city, tatlo na

Lagpas hatinggabi kanina ng masunog ang isang barko habang naglalayag nito ang karagatang sakop ng Dapitan city sa Zamboanga del Norte.

Matapos namang maireport ang insidente sa Philippine Coastguard ay mabilis ang naging responde para mailigtas ang mga sakay ng MV Lite ferry 16.

Gayunman, sa kabila ng mabilis na responde sa nasusunog na barko,tatlo katao ang naiulat na nasawi sa insidente.

Ayon kay PCG Spokesperson Captain Armand Balilo, kabilang sa mga nasawi ay ang mahigit isang taong gulang na bata na si Chloe Labisig, Danilo Gomez-60 taong gulang, at Ronaldo Heneral- 65 taong gulang.

Aabot naman sa 245 ang narescue mula sa barko kabilang na ang mga crew.

Pero batay sa passengers manifest ay 136 lang ang nakalagay na pasahero habang 36 naman ang bilang ng crew.

Sa inisyal na impormasyon ng Philippine Coastguard  ay sa engine room nagsimula ang sunog.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us: