Dalawang counts ng kasong murder laban kay Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca, pormal nang isinampa sa Korte

Pormal nang inihain sa Korte ang dalawang counts ng murder laban kay Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca na bumaril sa nakaaway na mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos makitaan ng piskalya ng probable cause ang reklamo laban sa pulis.

Ang kaso ay isinampa sa hukuman ng Office of the Provincial Prosecutor ng Tarlac na nagsagawa ng inquest proceedings kay Nuezca.

Walang inirekomendang piyansa ang piskalya para kay Nuezca na pulis na naka-assign sa Parañaque City  Police Crime Laboratory.

Moira Encina

Please follow and like us: