Dalawang dating mga opisyal ng Los Baños LGU nahaharap sa kasong murder kay dating Mayor Cesar Perez.

Nahaharap sa kasong murder ang dalawang dating mga opisyal ng Los Baños LGU.
May kaugnayan ito sa nangyaring pamamaslang kay Los Baños Mayor Cesar Perez noong Disyembre nang nakaraang taon.
Sinimulan na rin ng Calamba City Prosecutors Office ang preliminary investigation para malaman kung mayroong sapat na dahilan para sampahan ng kaso laban kina dating Councilor Norvon Tamisin at civil registrar Glenn Arieta.
Si Arieta ay dating empleyado sa munisipyo at nagsilbing head ng Information and Communication System Office.
Mariin namang itinatanggi ni Tamisin ang lahat ng alegasyon sa kanya, at sinabing wala siyang ideya kung paano siya isinasngkot sa krimen.
Mataandaang nabaril at namatay si Perez sa compound ng munisipyo noong Disyembre 3, 2020 ng mga hindi nakilalang mga suspek.

Please follow and like us: