Dalawang drug pusher, patay sa buy-bust operation sa Nueva Ecija; Higit 200,000 halaga ng shabu, nasabat

Patay matapos makipagsagupaan sa pulisya ang dalawang tulak ng iligal na drog sa Barangay Soledad, Santa Rosa, Nueva Ecija.

Ayon kay Lt. Col. Alexie Desamito, hepe ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) drug enforcement unit, isa sa mga suspect ay nakilalang si Manny de Guzman, residente ng San Rafael, Bulacan at ang isa ay hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan.

Batay sa imbestigasyon, naunang bumunot na baril ang mga suspect matapos silang mahuling nagbebenta ng droga sa isang undercover agent.

Gumanti naman ng putok ng baril ang mga operatiba at napatay ang mga suspect.

Narekober sa mga suspect ang nasa 11 sachet ng shabu na may timbang na 35 hanggang 40 gramo at nagkakahalaga ng 270,000 piso.

Nakuha rin sa mga suspect ang .38 kalibre ng baril at dalawang tig-500 peso bill.

Please follow and like us: