Dalawang menor de edad sa Davao City, arestado matapos magtangkang magpasok sa Detention cell ng shabu na inihalo sa kanin

Arestado ang dalawang menor de edad matapos mahuling may bitbit na shabu na itinago sa kanin.

Nakilala ang mga ito na sina alyas Brix, 17-anyos at alyas Totu, 16-anyos kapwa residente ng Bunawan, Davao city.

Ayon kay Police Major Noel Villahermosa, nagtungo ang dalawa sa Bunawan detention cell at sinabing maghahatid lamang ng kanin sa isang bilanggo.

Pero nang inspeksyunin ang dala ng mga ito ay natagpuang may mga maliliit na pakete ng shabu at isang pipe tube na may shabu residue.

Aabot sa 6,800 pesos ang halaga ng drogang nakumpiska sa mga kabataan.

Nasa kustodiya na ng Bunawan Police station ang mga menor de edad at ipinatawag ang mga magulang ng mga ito para sa interogasyon.

Iniimbestigahan naman ang bilanggo na dadalhan sana nila ng kanin.

Noreen Ygonia, EBC Corres

Please follow and like us: