Dalawang military truck idineploy sa labas ng Senado

Dalawang military truck ang namataan malapit sa Senado sa harap ng naka-ambang pag-aresto kay Senador Antonio Trillanes.

Isa sa mga truck ay nakaparada sa harap ng gusali ng GSIS building habang ang isang truck ay pumarada ilang metro lang ang layo sa entrace gate ng Senado.

Ang dalawang truck ay may lulang 20 mga sundalo.

Pero matapos ang ilang minutong briefing umalis rin ang military truck pero Tumanggi magbigay ng detalye ang mga sundalo sa kanilang pakay sa Senado.

Nauna nang sinabi ni Senate President Vicente Sotto na hindi papayagan na arestuhin si Trillanes sa premises ng Senado.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *