Dalawang pasahero ng MRT 3 sugatan ng bigla itong magpreno sa Shaw Blvd.

Dalawang pasahero ng MRT-3 ang sugatan nang bigla itong magpreno.

Nagtamo ng gasgas sa braso ang isang 30-anyos na babae at nasaktan naman sa dibdib ang isang 68-taong gulang na lalaki.

Bukod sa dalawa ay wala ng ibang naitalang nasaktan.

Ayon sa ulat, nagka-problema sa signalling system ang bagon ng tren sa Northbound ng Shaw Boulevard station, kaya ito biglang nagpreno.

Una rito, nagka-aberya na rin  ang nasabing linya ng tren, pasado alas-7:00 ng umaga, kaya pinababa ang mga pasahero sa Santolan station dahil din sa problema sa signalling system.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *