Dalawang preso na tumakas gamit ang kwerdas ng gitara, sumuko na

Follow-up report ni eaglenews correspondent Junie Zamoras

Sumuko na sa Roxas Municipal Police Station ang dalawa sa apat na suspek na tumakas mula sa nasabing himpilan ng pulisya sa pamamagitan ng pagsira sa rehas ng kanilang selda gamit ang kwerdas ng gitara.

Kinilala ni Police Brigadier General Jesus D. Cambay Jr, PRO9 Regional Director, ang dalawang sumuko na sina Wilfredo Antiquina Espelita at Roger Barillo Feras.

Pinaghahanap naman ang dalawa pang tumakas na sina Welly C. Catoy at Robert Quintos.

Ayon kay P/BGen. Cambay, hinihimok niya ang mga kamag anak at kakilala ng dalawa pang pugante na isuko nila ang mga ito sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya upang hindi na lumala pa ang sitwasyon, lalo na at nililitis pa lamang ang kanilang mga kaso.

Please follow and like us: