Dalawang rapist, patay sa engkwentro sa Payatas, Quezon City

 

Sa madilim at masukal na bahagi na ito ng Legaspi St., Group 5, Payatas Quezon City, nakorner ng mga rumespondeng pulis ang dalawang lalake matapos na dukutin ang isang dalagita kaninang madaling araw..

Agad na nakaresponde ang mga operatiba ng QCPD -5 sa lugar matapos na matanggap ang ulat na mayroong dalagitang dinukot ng mga suspect.

Ayon kay Police Chief Inspector Alfonso Saligumba, bukod sa dalawang suspect, mayroon pang dalawang lalaki na nagsilbing look-out ng  mga ito na nakita umano ng dalagitang dinukot.

Inaalam na ng mga otoridad kung posibleng may kinabibilangan na grupo o sindikato ang mga suspect.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *