Dalawang SC Justices handang tumestigo laban kay CJ Sereno

Dalawang mahistrado ng Korte Suprema ang tetestigo sa reklamong katiwalian laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Atty. Larry Gadon, mabigat ang ebidensya na ilalahad ng dalawang Justices at tiwala siya na madidiin nang husto dito si Sereno.

Hindi naman pinangalanan ni Gadon kung sinong Justices ang tinutukoy niya, pero kanyang sinabi na sesentro ito sa mga maling pamamalakad ng punong mahistrado.

Paggigiit pa ng abugado, walang takas si Sereno sa kasong impeachment dahil nakabase ito sa personal knowledge ng mga testigo at sa public documents.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *