Dalawang solar pump irrigation, nai-turn over na sa mga magsasaka sa Magallanes, Cavite

Nai-turn over na sa mga magsasaka sa Magallanes Cavite,  ang dalawa sa apat na solar pump irrigation system na ipinagkaloob ng Magallanes Cavite LGU. 


Ang mga naturang pump irrigation system ay magagamit na ng kanilang mga magsasaka sa kanilang lugar para sa pagpapatubig ng kanilang mga sakahan at para sa kanilang mga pananim. 


Pinasalamatan naman ng Alkalde ng Magallanes Cavite ang mga sumuporta at tumulong kabilang na ang mga tauhan mula sa National Irrigation Administration at mga opisyal ng Sangguniang bayan para magkaroon ng katuparan ang kanilang proyekto para sa kanilang mga magsasaka. 

Jet Hilario

Please follow and like us: