Daloy ng trapiko sa Pasay City, inaasahang sisikip dahil sa concert ng Coldplay

Asahan na ang masikip na daloy ng trapiko sa Pasay City dahil sa concert ng rock band na Coldplay.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, magaganap ang ‘one-night concert’ ng banda na bahagi ng kanilang “A Head Full of Dreams” world tour sa SM Mall of Asia Concert Grounds mamayang gabi.

Sinabi ng MMDA na magiging mabigat ng daloy ng trapiko sa mga sumusunod na kalsada:

– EDSA Extension simula Taft Avenue patungong SM Mall of Asia

– Macapagal Boulevard

– Roxas Boulevard

Malaking volume ng mga fan ng Coldplay ang inaasahang dadalo sa naturang concert.

Kaya abiso ng MMDA sa mga motorista, iwasan ang mga nabanggit na kalsada at dumaan nalang sa alternatibong ruta.

 

Please follow and like us: