Dating Deputy Speaker Raneo Abu, nagpositibo sa Covid-19

Kinumpirma ni dating Deputy Speaker Raneo Abu na nagpositibo siya sa Covid-19.

Sa kanyang Facebook post, sinabi nito na ito ang lumabas sa kanyang RT-PCR test na isinagawa noong March 25.

Kaagad siyang nagtungo sa Isolation facility bagamat asymptomatic.

Sinabi rin ng mambabatas na bilang pag-iingat ay sumailalim na rin ang buo niyang pamilya sa RT-PCR test pero negatibo naman ang anak niyang babae na si Dra.Reina Abu.

Nanawagan din si Abu sa lahat ng kaniyang mga nakasalamuha na sumailalim sa testing at sumunod sa Quarantine protocol na naaayon sa guidelines ng Department of Health (DOH).

Please follow and like us: