Dating Health Secretary Janet Garin, kinasuhan ng graft ng Philhealth

Kinasuhan ng Philippine Health Insurance Corporation o  Philhealth ng Graft sina dating Health secretary Janette Garin at dating Philhealth President Alexander Padilla kaugnay ng paglilipat ng 10.69 bilyong pisong pondo sa pagtatayo ng mga clinic sa mga probinsya mula sa pondo para sa Senior Citizens noong 2015.

Sa reklamong inihain sa Office of the Ombudsman, sinabi ng Philhealth na hindi inaprubahan ng Board of Directors ang hakbang na ito.

Ayon sa Philhealth, naapektuhan ang financial viability ng ahensya dahil dito.

Maliban dito, inakusahan din si Garin ng Gross inexcusable negligence dahil sa pagbabalewala sa veto message ni dating Pangulong Noynoy Aquino na kunin ang premiums ng senior citizens sa unprogrammed funds o reserbang pondo ng Department of Health.

Ang pagsasampa ng kaso ay pinangunahan ni Philhealth Interim President Celestina Ma. Jude dela Serna ang pagsasampa ng kaso.

 

============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *