Dating NBI chief, itinalagang bagong pinuno ng Philhealth

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating National Bureau of Investigation Director Dante Gierran bilang bagong pangulo ng Philhealth matapos magbitiw sa posisyon si dating Philhealth president Ricardo Morales.

Sinabi ng Pangulo na gusto niyang matutukan ang pagsugpo sa korapsyon sa nalalabing dalawang taon ng kanyang administrasyon.

Kasabay nito’y ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagsibak sa pwesto sa mga regional vice presidents ng Philhealth sa buong bansa.

Nangako naman si Gierran sa harap ng pangulo na gagawin niya ang lahat upang sugpuin ang korapsyon sa Philhealth.

Si Gierran ay nanilbihan sa NBI mula 2016 at nagretiro noong Pebrero.

Please follow and like us: