Dating NBI Dep. Dir. Rafael Ragos ikukulong sa NBI Detention facility – Muntinlupa RTC

 

ragos

Iniutos na ng Muntinlupa RTC na sa pasilidad ng National Bureau of Investigation makulong si dating Bureau of Corrections OIC-Chief Rafael Ragos.

Ang utos ay inilabas ni Muntinlupa RTC Branch 204 Judge Juanita Guererro matapos maiprisinta si Ragos kanina.

Nauna nang ipinaaresto ng korte si Ragos kasama sina Senador Leila de Lima at bodyguard-lover nito na si Ronnie Dayan sa kasong may kaugnayan sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.

Si Ragos ay sumuko kahapon sa NBI at  isinailalim na rin ito sa booking process.

Isa si Ragos sa mga tumestigo laban kay de Lima at inamin nito na nagbigay siya ng ₱10m sa Senadora galing sa drug payoffs mula November 2012 hanggang January 2013.

Samantala, naibyahe na rin si Ragos pabalik ng NBI main office sa Maynila.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.