Dating NBI Deputy Director Rafael Ragos , solo sa kanyang kulungan sa NBI Detention Facility

Nag-iisa lang  sa loob ng kanyang kulungan sa NBI Detention Center si Dating NBI Deputy Director at Dating Bureau of Corrections Officer- in- Charge Rafael Ragos na kapwa akusado ni Senadora Leila de Lima sa kasong illegal drug trade.

Si Ragos ay ikinulong sa NBI sa Maynila alinsunod sa inilabas na commitment order  ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204.

Sinabi ni NBI Spokesperson Atty. Ferdinand Lavin na minarapat nila na gawin solo sa kanyang kulungan si Ragos para sa kaligtasan nito.

Hindi anya mabuti na makasama niya ang ibang preso dahil bilang dating NBI agent ay may mga naipakulong ito.

Ulat ni : Moira Encina

Please follow and like us: