Dating Pang. Aquino muling inupakan ni Pang. Duterte sa problema sa droga

Tinukoy ni Pangulong Duterte si dating Pangulong Noynoy Aquino na walang ginawang hakbang para masawata ang paglaganap ng ilegal na droga sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na sa panahon ni Aquino ay alam na niya ang problema ng ilegal na droga subalit hindi man lang ito gumawa ng hakbang para malutas ang problema.

Ayon sa Pangulo ang kawalan ng hakbang ng nakaraang administrasyon ang dahilan kaya lumaki ang problema ng ilegal na droga.

Ang pagbaka ng Pangulo sa ilegal na droga ang ginagamit ngayon ng kanyang mga kalaban para mapagsak siya sa poder ng kapangyarihan dahil sa umanoy isyu ng human rights violations at extra judicial killings.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: