Dating Pangulong GMA, binisita ang mga bakwit sa Marawi City

Binisita ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo ang mga bakwit mula sa Marawi City.

Namahagi ang dating Pangulo ng “hygiene packs” sa mga pamilyang nanunuluyan sa National School of Fisheries at sa Santa Elena Evacuation Center sa Iligan City kasama sina Iligan City Mayor Celso Regencia at Vice Mayor Jemar Vera Cruz.

Sa ngayon, nasa mahigit 800 pamilya ang nananatili sa limang evacuation center habang mahigit 14,000 naman ang nakikituloy sa kanilang mga kaanak sa Iligan City.

Kilalang nanirahan ang dating Pangulo sa kanilang ancestral house sa Iligan City noong kanyang kabataan.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *