Dating PNP lieutenant colonel arestado sa Pangasinan dahil sa kasong murder

Isang dismissed na opisyal ng pulisya na pinaniniwalaang pinuno ng isang gun-for-hire syndicate na nag-o-operate sa Region 1, ang inaresto sa Pangasinan .

Ayon sa Philippine National Police, si Wilson M. Magpali, na dating lieutenant colonel ay inaresto ng mga operatiba ng Luzon Field Unit ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) sa Barangay Legaspi, Tayug sa bisa ng isang warrant of arrest for murder.

Ang warrant ay inisyu ni Presiding Judge Nyerson Tualla ng Regional Trial Court, Branch 28, San Fernando City, La Union.

Narekober mula kay Magpali ang isang 9 mm. cal. na may PNP property markings at tatlong rounds of magazines .

Ang akusado ay nasa kustodiya na ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group Luzon Field Unit.

Please follow and like us: