Dating Sen. Estrada humihirit ng “furlough” sa Sandiganbayan

Humihirit si dating Senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan ng ‘furlough’ para makadalo sa kaarawan ng kanyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa kanyang mosyon, sinabi ni Jinggoy  na magdiriwang ng 80th birthday sa April 19, 2017 si Mayor Erap.

Nakasaad sa mosyon na hiling ng dating Presidente na makapiling ang kanyang mga anak sa espesyal na okasyon.

Nais din ng akusado na makasama sa preparasyon, lalo’t noong mga nakalipas na kaarawan ng matandang Estrada ay ang kanyang pamilya ang principal organizer.

Dahil  ‘rare’ o bibihira  na makaabot ng edad na 80, umapela si Jinggoy Estrada sa korte na mapayagan siya para sa 12-hour furlough o makalabas ng detention facility sa Kampo Krame sa April 18, 2017 hanggang alas-singko ng hapon.

Gaganapin ang birthday party ni Erap sa lungsod ng Maynila.

Please follow and like us: