Dating Sen. Leticia Ramos –Shahani, pumanaw na sa edad na 87

Pumanaw na ang dating Senadora at Diplomat na si Leticia Ramos-Shahani sa edad na 87.

Noong nakaraang buwan ay lumabas ang mga balitang nasa ICU ng isang ospital si Shahani.

Ayon sa anak nitong si Lila, namatay  ang kanyang ina kaninang alas-2:40 ng madaling araw.

Si Shahani ay kapatid ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Mahigit 20 taon din siyang nasa Foreign Service at nagsilbing United Nations Secretary General for Social Development and Humanitarian Affairs.

Si Shahani ay naging Philippine Ambassador to Australia, Romania, Hungary at West Germany bago naitalagang Undersecretary ng Foreign Affairs at Chairperson ng National Commission on Women.

Please follow and like us: