Dating Senate President Juan Ponce Enrile nakipagkita kay Pangulong Duterte sa Malakanyang

Nagtungo sa Malakanyang si dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Malugod na tinanggap ni Pangulong Duterte si Enrile at nagkaroon sila ng pribadong meeting.

Binigyan ni Enrile ang Pangulo ng tatlong libro at isang sulat.

Ayaw namang sabihin ng Malakanyang kung ano ang agenda ng pribadong meeting ng Pangulo at Enrile.

Wala ring kumpirmasyon ang Palasyo kung may kaugnayan kay Senador Antonio Trillanes na numero unong kritiko ng Pangulo ang pakikipagpulong kay Enrile.

Magugunitang direktang sinabihan ni Enrile si Trillanes na isang taksil sa bayan ang Senador dahil sa ginawang palihim na pakikipagnegosasyon sa China sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: