Dating Tourism secretary Wanda Teo at iba pang opisyal ng DOT, ipatatawag sa Senate hearing

Ipapatawag sa Senado  si outgoing DOT Secretary Wanda Teo para bigyan linaw ang 60 milyong pisong placement ads sa PTV-4.

Ayon kay  Senador Nancy Binay, maaaring ang pinamumunuan niyang Committee on Tourism ang magsagawa ng inquiry in aid of legislation ukol sa isyu.

Ngunit  maaari din aniyang ang Blue ribbon committee ni Senador Richard Gordon,  dahil dating opisyal ng gobyerno si Teo.

Dagdag pa ni Binay,  hindi lang naman sa 60 million peso advertisements  sesentro ang pagdinig kundi maging sa mga mandato ng ibang ahensiya na nasa ilalim ng DOT.

Paliwanag nito , maaring may mga trabaho na nagkaka doble-doble sa kagawaran at baka maisaayos ito sa gagawin nilang pagdinig.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *