Davao Oriental, nilindol kagabi

Niyanig ng magkasunod na lindol ang Davao Oriental, kagabi.

Unang naitala ang magnitude 5.7  na lindol alas-6:38 kagabi at natunton ang epicenter sa layong dalawandaan at isang (201) kilometro Timog Silangan ng bayan ng Generoso.

Naramdaman din ang pagyanig sa mga karatig lugar partikular sa General Santos City kung saan naitala ang intensity 1.

Dakong alas-7:00 naman ng gabi nang yanigin ang naturang lugar ng magnitude 5.1 na lindol na may layong isandaan pitumput dalawang (172) kilometro, Timog-Silangan ng nasabing bayan.

Nakapagtala na ang PHIVOLCS ng halos dalawampung (20) aftershocks matapos ang mga nasabing pagyanig.

Please follow and like us: