Davao Prosecution Office, nagtamo ng pinsala dahil sa mga paglindol sa Mindanao

Kinumpirma ni Justice secretary Menardo Guevarra na nagtamo ng pinsala ang Davao City Prosecution Office bunsod ng malalakas na paglindol sa Mindanao.

Ayon kay Guevarra, batay ito sa inisyal na report na natanggap ng Department of Justice (DOJ).

Humihingi din anya ng tulong ang Davao Prosecution office mula sa DOJ.

Sinabi  pa ng kalihim na patuloy na sinusuri at inaalam nila ang sitwasyon ng mga piskalya sa Kidapawan at Cotabato na matindi ring naapektuhan ng lindol.

Tiniyak ni Guevarra na handang magpaabot ng tulong ang DOJ sa mga Prosecution office at sa mga piskal na naapektuhan ng mga paglindol sa Mindanao.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *