Davao Region, nakapagtala ng karagdagang 451 kaso ng Covid-19

Nakapagtala ng 451 bagong mga kaso ng Covid-19 ang rehiyon ng Davao.

 Sa datos ng DOH-Davao Center for Health Development ng June 17, 2021, umakyat na sa kabuuang 7,676 ang kaso ng virus infection sa rehiyon.

Pinakamataas na kaso ay mula sa Davao city na 294, Davao del Norte-60, 35 sa Davao del Sur, 29 sa Davao Oriental, 20- Davao de Oro, at13 sa Davao Occidental.

Nakapagtala rin ang rehiyon ng 172 recoveries; 8 ay mula sa Davao City, 3 mula sa Davao del Norte, 2 – Davao Oriental, 2 -Davao Occidental, 1 sa Davao del Sur, and 1 mula Davao de Oro.

Dahil dito, pumalo na sa 26,603 ang kabuuang gumaling sa karamdaman.

Habang 17 naman ang naitalang bagong pumanaw; 8 mula Davao City, 3 mula Davao del Norte, 2 -Davao Oriental, 2-Davao Occidental, 1 -Davao del Sur, at 1 – Davao de Oro.

Kaya naitala sa 1,266 ang death toll sa rehiyon.

Please follow and like us: