Davilan Bridge sa Carmona Cavite, binuksan na sa mga motorista

Binuksan na sa mga motorista ang Davilan Bridge sa Carmona Cavite.
Matatagpuan ito sa Carmona-Silang Diversion road. 
Pinangunahan ang pagpapasinaya ng nasabing tulay ng mga opisyal mula sa DPWH reg. 4a Asst. Regional Director Jovel Mendoza, Carmona Cavite Mayor Atty. Roy Loyola mga opisyal mula sa GMA Cavite Local Govt Unit at ni Cavite 5th District Cong. Dahlia Loyola.
Ang Davilan bridge na ito ay nagkokonekta sa bayan ng Carmona at Silang para mabawasan ang traffic sa Governor’s Drive at sa iba pang daanan papuntang Silang Town Proper.
Sa pamamagitan ng nasabing tulay, mababawasan na din ang oras ng pagbyahe ng mga motorista mula 45 minutes ay magiging 20 minutes na lang. 
Samantala’y ipinapaalala naman ng mga opisyal mula sa Carmona LGU sa publiko at mga motorista na tanging magagaan na sasakyan lamang ang maaaring dumaan sa naturang tulay.

Ulat ni Jet Hilario

Ang Bagong bukas na Davilan Bridge sa Carmona, Cavite
photo credits: Carmona LGU
Please follow and like us: