DBM, handang magbigay ng dagdag na Calamity fund sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad

Inihayag ni Budget Secretary Wendel Avisado na handa ang National government na magbigay ng dagdag na calamity fund sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Rolly at Ulysses.

Sinabi ng kalihim na kailangan ang formal request ng mga Local Government Executives para magawan ng release order ang pondo.

Ayon kay Avisado naghahanap na siya ng mapaghuhugutan ng dagdag na calamity fund na ibibigay sa mga LGUS na matinding tinamaan ng kalamidad.

Inihayag ni Avisado maaaring humingi ng emergency fund ang mga LGUS sa mga ahensiya ng pamahalaan na mayroon pang natitirang National Disaster Risk Reduction Management Fund o NDRRMF.

Niliwanag ni Avisado na ang mga ahensiya ng pamahalaan na mayroon pang natitirang NDRRMF ay ang Department of Agriculture, Department of Health, Department of Education, Department of Energy at Department of Public Works and Highways.

Vic Somintac

Please follow and like us: